Dapat umanong kumanta na ang mga pulis at iba pang sangkot sa extra judicial killings (EJK) na may kinalaman sa war on drugs ng gobyerno bago mahuli ang lahat.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kung hindi kakanta sa huli ay baka ang mga sangkot umano sa war on drugs ang maging biktima ng kanilang kwentong nanlaban.

“Lumabas at magsalita na sila ngayon bago pa maging huli ang lahat at sila rin ay mabiktima ng kanilang dubious nanlaban narrative,” sabi ni Zarate.

Dapat ay napagtanto na umano ng mga sangkot sa EJK na hindi totoo na kaya silang ipagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo na pagbaba nito sa Malacañang sa 2022.

“Duterte himself will be besieged with many cases, in the local courts and the ICC – so he would be too busy defending himself and not you,” dagdag pa ni Zarate.

Ipinaalala rin ni Zarate ang nangyari kina dating Gen. Jovito Palparan at mga sangkot sa Olalia-Alaylay case na ngayon ay mga nakakulong.

“Come out now, come clean, so that you can help in giving justice to the victims and those primarily responsible be held accountable,” wika pa ng solon.

Nirerepaso ngDepartment of Justice (DOJ) ang libong kaso na may kaugnayan sa war on drugs ng gobyerno. Ilang ebidensya na nakita ay taliwas umano sa kwentong nanlaban ng mga pulis. (Billy Begas)

The post Pulis, iba pang sangkot sa EJK pinakakanta na ng Bayan Muna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pulis-iba-pang-sangkot-sa-ejk-pinakakanta-na-ng-bayan-muna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pulis-iba-pang-sangkot-sa-ejk-pinakakanta-na-ng-bayan-muna)