Naghain ng kanyang certificate of candidacy ang isang cardiologist para tumakbong pangulo sa 2022 elections at nangako siyang pupuksain ang coronavirus, korapsyon at kriminalidad.

Ayon kay Dr. Jose Montemayor Jr., nahaharap ang Pilipinas sa seryosong krisis lalo na ang pandemya kaya nararapat na ang isang tatakbo sa pagka-presidente ay may sapat na kaalaman sa virus at sa epekto nito hindi lang sa kalusugan kundi maging sa ekonomiya.

Aniya, bukod sa pagiging doktor ay isa rin siyang ekonomista at abogado.

Tatakbo umano siya sa ilalim ng partidong Democratic Party of the Philippines.

Noong 2016 elections ay tumakbo rin sa pagka-presidente si Montemayor. (IS)

The post Pupuksain COVID: Doktor tatakbong presidente sa 2022 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pupuksain-covid-doktor-tatakbong-presidente-sa-2022/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=pupuksain-covid-doktor-tatakbong-presidente-sa-2022)