Matapos ang maraming espekulasyon, senador ang tatakbuhan ni Raffy Tulfo sa 2022 elections.

Ngayong Sabado ay nagsumite si Tulfo ng certificate of candidacy sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Hotel sa Pasay.

Tatakbo ang broadcaster bilang independent candidate.

Si Tulfo ang nanguna sa pinakahuling Pulse Asia survey sa pagka-senador, na nakakuha ng 55.2 percent.

Bago ito, naging matunog ang pagtakbo niya bilang bise presidente, bagay na kanyang itinanggi.

Bukod dito, kamakailan lamang ay nagpaalam na rin si Tulfo sa ilang programa sa telebisyon.

The post Raffy Tulfo sasabak sa senatorial race first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/raffy-tulfo-sasabak-sa-senatorial-race/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=raffy-tulfo-sasabak-sa-senatorial-race)