Kinulang ang pinakita ng Rebisco men’s volleyball team at dumapa kontra AGMK ng Uzbekistan, 26-24, 23-25, 18-25, 19-25 sa AVC Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Thailand ngayong Sabado.

Itinakas ng mga Pinoy ang dikitang first set ngunit bigong maipagpatuloy ang momentum sa mga sumunod na yugto ng laban.

Huling sumipa ang Rebisco sa fourth set nang maibaba nila ang lamang sa 23-19 ngunit sariling mga error nila ang nagbigay ng panalo sa AGMK.

Bagsak sa 0-2 ang kartada ng Pinoy squad sa torneo.

Nanguna para sa Rebisco na si Jao Umandal na may 19 points, samantalang nagdagdag ng 14 points si Nico Almendras.

The post Rebisco men’s team kinapos kontra Uzbek squad first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rebisco-mens-team-kinapos-kontra-uzbek-squad/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rebisco-mens-team-kinapos-kontra-uzbek-squad)