Hihirit ng isa pang termino si House Deputy Speaker Bienvenido Abante Jr., sa pagkakongresista ng ika-6 distrito ng Maynila.

Naghain ng kanyang certificate of candidacy si Abante ngayong Huwebes.

Iginiit ni Abante ang pangangailangan ng lider na hindi lamang handang magtrabaho kundi mayroong kakayanan na gawin ang mga trabahong iaaatang sa kanya.

Bagamat ang paggawa ng batas umano ng pangunahing trabaho ng mambabatas, sinabi ni Abante na dapat ding tugunan nito ang kapakanan ng kanyang mga constituent.

“Marami pang kailangan gawin at marami pa tayong gagawin para sa mga taga-Maynila. Kaya sana po sa darating na eleksyon, #KayBennyPaRin ang 6th District ng Maynila,” Abante added. (Billy Begas)

The post Rep. Abante hihirit ng isang pang termino first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rep-abante-hihirit-ng-isang-pang-termino/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rep-abante-hihirit-ng-isang-pang-termino)