Tatakbo si Laguna Rep. Sol Aragones sa pagka-gobernador ng probinsya.

Si Aragones ay naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) matapos na magsimba sa Calamba Cathedral ngayong Lunes.

Kasama niyang naghain ng COC ang kanyang running mate na si Jorge “Jerico” Ejercito at mga magulang ng huli na sina dating Laguna Governor ER Ejercito at Pagsanjan Vice-Mayor Maita Ejercito.

“Iba ang opisina nguni’t pareho ang adhikain: iangat ang buhay ng taga Laguna. Magbabago ang posisyon nguni’t hindi magbabago ang layunin: tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan,” sabi ni Aragones.

Kasama rin nila ang mga tatakbong provincial board member na sina Gigi Alcasid, Abi Alonte, Ann-Ann Cardema, Tutti Caringal, Danzel Fernandez, at RR Orillaza. (Billy Begas)

The post Rep. Aragones tatakbong gobernador first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rep-aragones-tatakbong-gobernador/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=rep-aragones-tatakbong-gobernador)