“Umaasa pa rin tayo na gaya ng sinabi natin na nais nating tumakbo kasama po si Mayor Sara.”
Ito ang naging pahayag ni Presidential spokesperson Harry Roque nang tanungin kung tatakbo ba siyang Senador sa darating na May 2022 elections.
“Hindi ko pa po alam. Unang-una po umaasa pa rin tayo na gaya ng sinabi natin na nais nating tumakbo kasama po si Mayor Sara – iyan po iyong pinakaimportanteng konsiderasyon,” tugon niya sa isang press briefing.
Anang spox, marami umanong tao ang umaasang magbabago pa rin ang isip ni Davao City Mayor Sara Duterte na siyang naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa reeelction nitong Oktubre 2.
“Alam ko po sinabi niya hindi na talaga pero malay ninyo naman po magkaroon ng milagro,” ani Roque. (VA)
The post Roque asado pa rin sa presidential bid ni Inday Sara: Malay niyo magkaroon ng milagro first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-asado-pa-rin-sa-presidential-bid-ni-inday-sara-malay-niyo-magkaroon-ng-milagro/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=roque-asado-pa-rin-sa-presidential-bid-ni-inday-sara-malay-niyo-magkaroon-ng-milagro)
0 Mga Komento