Humagulgol si Ruffa Gutierrez nang pag-usapan sa “It’s Showtime” ang domestic violence o pananakit ng mister sa kanyang misis.

Isa si Ruffa sa judge ng “Reina Ng Tahanan” kung saan pinayuhan niya ang isang contestant na biktima rin ng pananakit ng asawa.

“Let’s love ourselves. Actually pagdating sa domestic violence huwag nating hayaang itrato tayo ng ganoon ng mga asawa natin. Make a stand. We do have a choice in our lives. And that choice is to leave that person that continuous to hurt us,” sey ni Ruffa.

Matapos nito ay naiyak na si Ruffa, “Naiintindihan ko na tinitiis mo ‘yung pananakit ng asawa mo dahil sa mga anak mo pero ako nagtiis din ako, nagtiis din ako noon. Pero there’s a time na we have to stop. Kaya natin ‘yan, nanay. Please, huwag n’yo hahayaang tratuhin kayo ng ganoon.”

Matatandaang isiniwalat noong 2007 ng panganay ni Annabelle Rama ang pananakit at pag-torture sa kanya ng asawang si Yilmaz Bektas kaya niya ito iniwan at umuwi siya ng Pilipinas mula sa Istanbul.

May dalawa silang anak – sina Lorin at Venice – na nasa poder ni Ruffa.

The post Ruffa humagulgol sa usapang bugbugan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ruffa-humagulgol-sa-usapang-bugbugan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ruffa-humagulgol-sa-usapang-bugbugan)