Pormal na ang kandidatura ni dating Bise Presidente Jejomar Binay bilang senador sa 2022 elections matapos maghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ngayong Huwebes.

Si Binay ay umanib sa tandem nina Senador Panfilo Lacson at Senate President Tito Sotto.

Ito ang unang subok ni Binay na tumakbong senador sa kabila ng ilang dekada sa politika.

Pinakamataas niyang hinawakan ang posisyon ng bise presidente sa panahon ni yumaong dating pangulo Benigno Aquino III.

Huli siyang tumakbo noong 2019 bilang kinatawan ng unang distrito ng Makati City ngunit natalo.

Sakaling manalo, sasamahan niya ang anak na si Senador Nancy Binay. (mjd)

The post Sasamahan si Nancy: Ex-VP Binay bet maging senador first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sasamahan-si-nancy-ex-vp-binay-bet-maging-senador/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=sasamahan-si-nancy-ex-vp-binay-bet-maging-senador)