Malaki ang paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Senador Bong Go ang pinaka-” the best” na taong tutulong sa susunod na magiging Presidente ng bansa.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang Talk to the People matapos ang pag-atras sa kanyang pagkandidato sa pagka-bise presidente sa darating na eleksiyon.

Ayon sa Pangulo, tiwala siyang ipagpapatuloy ni Go ang kanyang iiwanang legasiya lalo na ang paghahatid ng serbisyo publiko sa aspetong pamgkalusugan, edukasyon at iba pang serbisyong panlipunan.

“With my withdrawal of my nomination, Senator Bong Go has now taken the challenge to become the vice presidential candidate of the PDP-Laban. I strongly and fully believe that Senator Bong Go is the best person to help the next president to continue my legacy,” anang Pangulo.

Ang Malasakit Center aniya na pinangunahan ng senador at itinatag sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay nakatulong na ng milyon milyong mahihirap na Pilipino sa panahon ng sakit at pangangailangan.

Bukod dito, sinabi ni Pangulong Duterte na sa dalawang taon ni Senador Go sa senado ay marami na itng naipasang mga batas at personal na binibisita ang mga mamamayang nangangailangan ng tulong lalo na sa panahon ng kalamidad, gaya ng baha, bagyo at sunog gayondin sa mga matinding naapektuhan ng kasalukuyang nararanasang COVID pandemic.

“With his track record of service and strong work erhic rooted in compassion towards the poor and the neglected, I strongly believe he will be the best vice president of the country,” dagdag ni Pangulong Duterte.

Umaasa ang Presidente na ipagpapatuloy ng mga bagong mamumuno sa bansa ang mga nasimulan ng kanyang administrasyon lalo na sa paglaban sa illegal na droga, kriminalidad, korapsiyn, terorismo at insurhensiya. (Aileen Taliping)

The post Senator Bong Go best person para tumulong sa susunod na presidente – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/senator-bong-go-best-person-para-tumulong-sa-susunod-na-presidente-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=senator-bong-go-best-person-para-tumulong-sa-susunod-na-presidente-duterte)