Umapela si ACT-CIS Rep. Eric Yap sa Senado na bilisan ang pagpasa ng panukala na magtatayo ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Ginawa ni Yap ang apela matapos na manalasa ang bagyong Maring sa hilagang bahagi ng Luzon. Kasama sa lubhang naapektuhan ang Benguet.

“Ang pinaka-nakakadurog ng puso dito, yung mga casualties namin because of landslides and mudslides. Merong isang case na yung tatlong batang magkakapatid, very young, namatay dahil natabunan ng malalaking bato ang bahay nila. Very tragic,” sabi ni Yap, na caretaker ng Benguet.

Pito ang napaulat na nasawi sa naturang probinsya kasama ang tatlong bata na edad 2, 6, at 8 na natabunan ng lupa na gumuho sa kanilang bahay noong Oktobre 12.

“We reiterate our call to pass the bill on the creation of Department of Disaster Resilience immediately. We need to have stronger authority that will focus on the protection of human lives and properties. It’s been too long, ang isang araw na dumadaan na naka-pending ito, is also one another day na nilalagay natin sa alanganin ang mga kababayan natin lalo na sa amin dito sa Benguet. What are we waiting for?” tanong pa ni Yap.

Inaprubahan ng Kamara de Representantes ang panukalang DDR noong Setyembre 2020.

Sa ilalim ng panukala, ang DDR ang magiging pangunahing institusyon ng gobyerno na magiging responsable sa paghahanda sa mga kalamidad.

The post Solon umapela sa Senado, ipasa DDR bill first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/solon-umapela-sa-senado-ipasa-ddr-bill/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=solon-umapela-sa-senado-ipasa-ddr-bill)