Naghain si Speaker Lord Allan Jay Velasco ng kanyang certificate of candidacy at muli itong tatakbo sa pagkakongresista ng Marinduque.

Pumunta si Velasco sa tanggapan ng the Commission on Elections (Comelec) sa bayan ng Boac para isumite ang kanyang COC ngayong Martes.

Kung muling mananalo, nangako si Velasco na ipaglalaban ang interes at kapakanan ng kanyang mga kababayan.

Si Velasco ay miyembro ng 15th, 16th, 17th at kasalukuyang 18th Congress.

Noong 16th Congress (2013-2016), ipinag-utos ng Comelec ang pagtanggal sa kalaban ni Velasco na si Rep. Regina Reyes noong Hulyo 11, 2013 dahil isa itong naturalized American citizen.

Pero nakapanumpa sa tungkulin si Velasco bilang miyembro ng Kamara de Representantes noon lamang Pebrero 1, 2016. (Billy Begas)

The post Speaker Velasco humirit para sa isa pang termino first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/speaker-velasco-humirit-para-sa-isa-pang-termino/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=speaker-velasco-humirit-para-sa-isa-pang-termino)