Hindi sang-ayon si Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez sa suhestiyon ni Bise Presidente Leni Robredo sa mga botante na kunin ang ibinibigay ng mga vote-buyer ngunit iboto ang kursunada.

Ayon kay Jimenez, hindi dapat sinasabihan ang mga botante na kunin ang perang binibigay ng mga politiko, dahil ang vote-buying umano ay isang election offense.

“I disagree with the notion of taking the money and voting according to your conscience. Vote buying is an election offense regardless of financial situation or noble intentions. Di dapat ginagawa, at di dapat sina-suggest yan sa mga botante,” saad ni Jimenez sa kanyang tweet ngayong Miyerkoles.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Robredo na tanggapin ang pera na binibigay ng politiko dahil galing din umano ito sa pera ng taumbayan.

Bukod dito, sinabi rin ng presidential aspirant na ang pagboto ng naaayon sa konsensya sa kabila ng pagbili ng boto ay maaaring maging leksyon sa mga politiko na ang pagbili ng boto ay hindi makakasiguro ng panalo. (mjd)

The post Suhestiyon ni VP Leni sa vote buying supalpal sa Comelec first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/suhestiyon-ni-vp-leni-sa-vote-buying-supalpal-sa-comelec/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=suhestiyon-ni-vp-leni-sa-vote-buying-supalpal-sa-comelec)