Nasa 2.9 milyon na kustomer ng Maynilad sa Metro Manila at Cavite ang makakaranas ng pagkaantala ng suplay ng tubig mula Oktubre 25 hanggang Oktubre 28 dahil sa flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa kanilang advisory ngayong Lunes, sinabi ng Maynilad na dahil sa flood control project ay kailangan din nilang magsagawa ng pipe realignment kaya’t magkakaroon ng pagkaantala sa suplay ng tubig ang kanilang mga kustomer ng mula 25 hanggang 85 oras.

Ang mga lugar na sakop ng water supply interruption ay Las Piñas; Makati; Manila; Parañaque; Pasay; Bacoor; Cavite City; Imus; Kawit, Cavite; Noveleta, Cavite; at Rosario, Cavite.

The post Suplay ng Maynilad apektado ng DPWH project first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/suplay-ng-maynilad-apektado-ng-dpwh-project/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=suplay-ng-maynilad-apektado-ng-dpwh-project)