Sa susunod umano na buwan ay hindi na kailangan pa ng negatibong resulta ng swab test sa mga bakunadong turista mula sa alinmang bahagi ng bansa na dadayo ng Boracay, ayon kay Department of Tourism (DOT) Secretary Berna Romulo-Puyat.

Ayon kay Puyat, nakipagpulong siya sa gobernador ng Aklan na si Gov. Florencio Miraflores kung saan niya napag-alaman na sa oras na 100% na ng mga tourism worker at residente ang bakunado sa Boracay ay hindi na ito hihingi ng negatibong resulta ng swab o RT-PCR test sa mga bakunadong turista.

“So last week when we met with the governor, the governor already announced that since they are going to reach 100 percent [vaccination rate], they will accept fully vaccinated individuals in lieu of negative RT-PCR,” wika ni Puyat sa panayam ng ANC.

“According to him, in a month’s time or three weeks’ time, he will already be accepting fully vaccinated (tourists), in lieu of RT-PCR. But of course if you are not vaccinated, you should give a negative RT-PCR (result),” dagdag pa ng kalihim.

Sa ngayon daw ay 91% na ng mga tourism worker sa Boracay ang kumpleto na ang bakuna, samantalang 62% naman sa mga residente. Kaya naman tiwala si Puyat na sa dulo ng Oktubre ay maaabot na ng isla ang lahat ng mamamayan na maging bakunado.

“So we expect that by the end of the month, 100 percent have been vaccinated, tourism workers plus residents,” aniya.

Sa ngayon, ang mga bakunadong turista pa lamang mula Panay island ang maaaring magpunta sa Bora nang wala ang RT-PCR test. (mjd)

The post Swab test dehins na hihingin sa Bora sa Nobyembre first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/swab-test-dehins-na-hihingin-sa-bora-sa-nobyembre/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=swab-test-dehins-na-hihingin-sa-bora-sa-nobyembre)