Maraming puwedeng mangyari hanggang Nobyembre 15, ayon kay Senador Manny Pacquiao kaugnay nang posibilidad na maging running mate siya ni Vice President Leni Robredo sa eleksiyon 2022.
Bagama’t naghain na sina Pacquiao at Robredo ng kanilang certificate of candidacy para sa pagka-pangulo, sinabi ng senador na bukas sa posibilidad na makipag-team up sa bise presidente.
“Hanggang hindi pa tapos ang November 15, anything can happen, possible sa lahat ng mangyayari,” sabi ni Pacquiaon sa panayam sa ANC.
“Hindi tayo nag-close ng door hanggang nandyan pa ‘yan pero happy ako sa aking Vice President ngayon si Lito Atienza,” sambit pa nito.
Matatandaan na nakipag-usap si Robredo kay Pacquiao noong Agosto para sa iisang ticket sa susunond na halalan. (Dindo Matining)
The post Team up kay Robredo posible – Pacquiao first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/team-up-kay-robredo-posible-pacquiao/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=team-up-kay-robredo-posible-pacquiao)
0 Mga Komento