Pinasilip na ng celebrity couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang ilan sa kanilang prenup photos sa Instagram.

Kilig ang mga netizen sa mga romantic prenup photos ng dalawa na kinuhanan sa isang malawak na damuhan.

Kahit ilang buwan pa lamang magkarelasyon ay naroon na ang spark sa pagitan ng dalawa at nitong Marso ay inanunsyo nila na sila ay engaged na.

Pinaplano rin umano nina Derek at Ellen na maikasal ngayong taon. (mjd)

The post TINGNAN: Derek, Ellen pakilig sa prenup first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tingnan-derek-ellen-pakilig-sa-prenup/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tingnan-derek-ellen-pakilig-sa-prenup)