Isinapinal ni dating senador Antonio Trillanes IV ang kanyang tangkang pagbabalik sa Senado matapos maghain ng certificate of candidacy para sa 2022 election.

Tatakbo si Trillanes sa ilalim ng oposisyon na pinamumunuan ni Vice President Leni Robredo na naghain na ng COC sa pagka-president noong Huwebes.

Sabi ni Trillane, kanyang ipapatuloy ang kanyang anti-corruption at governance reporma advocacy sa Senado at tutulungan ang Robredo administration sa pagpapanagot sa mga opisyal na umabso sa kapangyarihan lalo na sa panahon ng pandemya.

Bukod diyan, itutulak din ni Trillanes ang mga panukala para sa economic recovery and poverty alleviation, peace and order/security sector reforms, healthcare reforms/COVID-19 Response, at education reforms.

“Above all, we must ensure that VP Leni will win as president to stop the destructive Duterte regime. After this, we can now start the rebuilding process for country and that is the perfect role for future President Leni,” sabi ng dating seandor.

Noong 2019, kinilala si Trillanes bilang sa mga produktibong senador matapos manguna sa pinakamaraming panikalang naipasa bilang batas bilang principal aturhort at principal sponsor.

Naghain si Trillanes na kabuuhang 1,490 bills at resolutions, kung 98 doon ang naging
batas. Nagbigay din a ng scholarship sa 58,000 estudyante at medical assistance sa mahigit 190,000 pasyente. (Dindo Matining)

The post Trillanes naghain ng COC para sa pagka-senador first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/trillanes-naghain-ng-coc-para-sa-pagka-senador/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=trillanes-naghain-ng-coc-para-sa-pagka-senador)