Inihayag ni Transportation Secretary Art Tugade na nagdesisyon siyang hindi mag-file ng certificate of candidacy para hindi masabing lahat ng ginagawa ng Department of Transportation (DOTr) ay may kinalaman sa eleksyon.

“I can emphasize that the efforts of the Department of Transportation in finishing projects are not, in any way, in aid of election. It is just in doing and completing what we sincerely and honestly think is good for the country, the people, and the sambayanan,” wika ni Tugade sa Facebook post.

“Tuloy ang trabaho sa pagtatapos ng proyekto. Tuloy ang pagtawag pansin sa mga tamang gawa. Maraming maraming salamat po sa tiwala, suporta at dasal. Sana po ay tuloy-tuloy ito hanggang matapos ang mga proyekto,” patuloy niya.

The post Tugade umatras sa pagka-senador para sa DOTr first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tugade-umatras-sa-pagka-senador-para-sa-dotr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tugade-umatras-sa-pagka-senador-para-sa-dotr)