“Kasalanan nung tatay, bakit magiging kasalanan ng anak? Why would he apologize for something that he did not do, na ang may kagagawan ay tatay niya?”

Ito ang naging pahayag ni senatorial aspirant Raffy Tulfo nang tanungin kung dapat bang manghingi ng tawad si presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga umano’y ninakaw na yaman ng kanyang ama na si dating pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ani “Idol Raffy” hindi dapat manghingi ng tawad si BBM dahil wala naman siyang kinalaman sa mga ginawa ng kanyang ama.

“Kasalanan nung tatay, bakit magiging kasalanan ng anak? Why would he apologize for something that he did not do, na ang may kagagawan ay tatay niya? Opinyon ko yan,” ani Tulfo sa panayam ng ANC ngayong Lunes.

Sambit niya, maging siya kasi ay nabiktima na ng paninisi sa mga bagay na hindi naman niya ginawa.

“Bakit yung kasalanan ng kamag-anak ipinapasa sa isang kamag-anak? Because I myself [have] been a victim of that. Just because nagkaroon ng isyu yung mga kapatid ko na kaapelyido ko, pati ako nadadamay. Dapat hindi ganun,” giit ni Tulfo.

“Give the other relative na walang kinalaman sa kaso a chance na para maprove ang sarili niya” dagdag pa niya,

Nito lamang nakaraang linggo nang lumabas sa survey ng Pulse Asia na ang broadcast journalist ang nangunguna sa
2022 senatorial bets ng madla. (VA)

The post Tulfo: BBM walang kinalaman sa kasalanan ng ama, di dapat mag-sorry first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/tulfo-bbm-walang-kinalaman-sa-kasalanan-ng-ama-di-dapat-mag-sorry/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tulfo-bbm-walang-kinalaman-sa-kasalanan-ng-ama-di-dapat-mag-sorry)