Biro lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang banta nito na tuturukan ng COVID vaccine habang tulog ang mga ayaw magpabakuna.
Ito ang inihayag ng Malacañang matapos umani ng puna ang naging pahayag ng Pangulo sa kanyang Talk to the People laban sa mga indibidwal na tumatanggi pa ring magpabakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagpapatawa lang ang Pangulo sa kanyang pulong para hindi antukin dahil mahaba nang talakayan sa kanyang Talk to the People.
“Joke lang po yon, kayo naman. Ang tagal ng mga pagpupulong namin sa Talk to the People na nakikita nyo, kapiraso lang, mahaba yung mga meetings na yon. Para hindi kami makatulog kailangan may konting joke,” ani Roque.
Agad na umani ng puna sa social media at maging sa oposisyon ang pahayag ng Pangulo na tuturukan ng bakuna habang natutulog ang mga ayaw magpabakuna.
Inatasan ng Pangulo noong Lunes ang mga opisyal ng barangay na hanapin ang mga ayaw magpabakuna at pangungunahan aniya nito ang pagturok habang natutulog ang mga ito sa kanilang mga tahanan.
The post ‘Turukan habang tulog’ na banat ni Duterte, joke lang – Roque first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/turukan-habang-tulog-na-banat-ni-duterte-joke-lang-roque/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=turukan-habang-tulog-na-banat-ni-duterte-joke-lang-roque)
0 Mga Komento