Inararo ng isang graduate mula University of the Philippines Diliman ang kapwa niya examinees sa katatapos lang na 2021 Chemical Engineer Licensure Examinations.

Batay sa inlabas na toplist ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, si Al Christian Regorgo Gobre ng UP Diliman ang pumwesto sa top spot na siyang nakakuha ng 84 percent na rating.

Sinundan naman ito nina Jeffrey Palcona ng Adamson University at Audter Domilies ng Saint Louis University.

Ayon sa ulat, 321 sa 679 kumuha ng naturang licensure exams ang nakapasa.

Nito lamang buwan ng Oktubre ikinasa ang eksaminasyon sa Baguio, Cagayan De Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Lucena at Maynila. (VA)

The post UP grad nanguna sa Chemical Engineering Licensure Exams first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/up-grad-nanguna-sa-chemical-engineering-licensure-exams/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=up-grad-nanguna-sa-chemical-engineering-licensure-exams)