Sinabi ni US President Joe Biden na idedepensa ng Amerika ang Taiwan kapag inatake ng China.
“Yes,” ang naging tugon ni Biden nang tanungin tungkol sa pagdepensa sa Taiwan, na nasa ilalim ngayon ng tumataas na pressure mula sa Beijing, na umaangkin sa isla.
“We have a commitment to that,” dagdag niya.
May batas ang US na nag-aatas dito na tulungan ang Taiwan na ipagtanggol ang sarili, ngunit matagal na itong malabo tungkol sa kung ano talaga ang gagawin nito kung aatakehin ng China ang Taiwan. Kilala ito sa tawag na “strategic ambiguity”.
Nahati ang China at Taiwan sa civil war noong 1940s.
Mula noon, idineklara na ng Taiwan na isa silang independent country, pero para sa China, sila ay isang “breakaway province” na babawiin nila sa pamamagitan ng puwersa kung kinakailangan.
Kamakailan nagpadala ang China ng dose-dosenang puwersa sa air defence identification zone ng Taiwan na nagsimula noong Oktubre 1, ang National Day nila.
Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/us-ipagtatanggol-taiwan-vs-china/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=us-ipagtatanggol-taiwan-vs-china)
0 Mga Komento