Nasa intensive care unit (ICU) si dating US President Bill Clinton matapos kumalat sa daluyan ng dugo ang impeksiyon niya.
Ayon sa CNN report, na-confine si Clinton, 75, sa University of California Irvine Medical Center noong Martes ng gabi dahil sa urinary tract infection (UTI) na kumalat sa kanyang daluyan ng dugo, na naging sanhi ng sepsis.
Kasalukuyan itong mino-monitor at tinuturukan ng IV antibiotics at fluids.
Pero sabi ng mga doktor ni Clinton, “After two days of treatment, his white blood cell count is trending down and he is responding to antibiotics well.”
The post UTI ni Clinton kumalat sa daluyan ng dugo first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/uti-ni-clinton-kumalat-sa-daluyan-ng-dugo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=uti-ni-clinton-kumalat-sa-daluyan-ng-dugo)
0 Mga Komento