Mayroon ng desisyon si Vice President Leni Robredo kaugnay sa magiging plano niya sa May 2022 elections bago ang Oktubre 8 na siyang huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC).

“Naiintindihan naman namin na maraming excited. Maraming nag-aabang. Kaunting hintay na lang. October 8 ang filing at bago mag October 8, ipapaalam niya ang kanyang desisyon,” pahayag ng VP spokesman na si Attorney Barry Gutierrez.

Ito ay matapos mapabalitang tinanggap umano ni Robredo ang nominasyon ng 1Sambayan sa kanya bilang maging kanilang standard bearer.

Paglilinaw din niya, hindi tatakbo sa local elections ng Camarines Sur si Robredo.

“Hindi ibig sabihin na tatakbo siya sa CamSur. Klarong klaro ang sinasabi ni VP Leni. At anong mang option na maaaring habulin na may kinalaman sa lokal, kailangan maghintay hangga’t ‘di pa niya binibigay ng klarong desisyon itong sa nasyonal,” ani Gutierrez.

Kaugnay ang pahayag matapos magpalipat ng voter’s registration ng opisyal mula Naga papuntang Magarao, Camarines Sur.

Nito lamang Sabado nang inansusyo ng nsabing koalisyon ang endorsement nila kay Robredo bilang lider ng bansa sa 2022. (VA)

The post VP Leni may desisyon na bago Oct. 8 – spox first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/vp-leni-may-desisyon-na-bago-oct-8-spox/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=vp-leni-may-desisyon-na-bago-oct-8-spox)