May tip na ibinahagi si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng kandidatong iboboto para sa Eleksyon 2022.

Ani Dutere, hindi dapat pumili ang mga botante ng matalinong kandidato, sa halip ay piliin dapat aniya ang mga ordinaryong politiko.

“Why don’t you get… Kasi masyadong, huwag kayo kumuha ng bright, mga brilliant. You know what?” wika niya sa Talk to the People nitong Lunes.

“Maghanap kayo ng kandidato na ordinaryong Filipino. Bigyan ninyo ng panahon at ipakita niya,” dagdag pa niya.

Sambit ni Duterte, mas mabuti kasing nasa kamay ng “ordinary-minded Filipinos” ang bansa. (VA)

The post Wag kumuha ng matalino, dun kayo sa ordinaryo – Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wag-kumuha-ng-matalino-dun-kayo-sa-ordinaryo-duterte/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=wag-kumuha-ng-matalino-dun-kayo-sa-ordinaryo-duterte)