Wala umanong dapat ipangamba ang bansa sa nadiskubreng subvariant ng Delta variant sa ilang bansa sa Europa.
Ayon kay Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Technical Advisory Group ng Department of Health, wala pang masyadong pag-aaral tungkol sa subvariant na pinangalanang AY 4.2.
“Kinakailangang pag-aralan pero di kailangang mag-panic,” wika ni Salvana.
Aniya, sa ngayon daw ay ang impormasyon na alam ng mga medical expert patungkol sa subvariant ay may mas mataas, o halos kapareho ng Delta variant ang transmissibility nito.
“Hindi siya tinuturing na formal variant. Parang Delta pa rin siya,” dugtong pa nito.
Ang Delta variant ang nangungunang COVID variant sa mga samples na na-sequence sa Pilipinas. (mjd)
The post ‘Wag mag-panic sa Delta subvariant – eksperto first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/wag-mag-panic-sa-delta-subvariant-eksperto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=wag-mag-panic-sa-delta-subvariant-eksperto)
0 Mga Komento