Tulad ng ibang programa ng pamahalaan, hindi rin perpekto ang kampanya kontra droga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang naging pahayag ng Malacañang nitong Lunes.
“Well, I think like any other government program, we cannot claim to be perfect. Pero ang sinasabi natin, huwag naman iyong gawain ng ilang mga bugok ay maapektuhan iyong buong programa ,” ani Presidential spokesperson Harry Roque.
Kaugnay ang pahayag ng spox sa komento ni Vice President Leni Robredo na may mga lapses umano ang flagship program ni Duterte.
Anang VP, ipinasa kasi ng Department of Justice ang mga kaso ng drug war deaths sa National Bureau of Investigation.
Dipensa ni Roque, pagpapakita lang ito ng commitment ng pamahalaan para bigyang hustisya ang pamilya ng mga nsaswi.
“This is proves that the government is fulfilling its obligation to prosecute and punish those who commit murder. Nothing is perfect and the DOJ’s findings prove that the government is fulfilling its obligation as far as right to life is concerned,” wika niya.
Batay sa datos ng pulisya, nasa 8,000 katao ang nasawi dahil sa anti-drug operations simula 2016. (VA)
The post War on drugs ni Duterte di perpekto tulad ng ibang gov’t programs – Palasyo first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/war-on-drugs-ni-duterte-di-perpekto-tulad-ng-ibang-govt-programs-palasyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=war-on-drugs-ni-duterte-di-perpekto-tulad-ng-ibang-govt-programs-palasyo)
0 Mga Komento