Humagulgol at napamura sa Facebook Live ang social media influencer na si Madam Kilay dahil na-hack ang kanyang YouTube channel na aniya ay tatlong taon niyang pinaghirapan.

Sinabi ni Madam Kilay na wala siyang tulog dahil ilang oras na niyang sinusubukang mabawi ang kanyang channel na mayroon nang 1.7 million subscribers.

Iniba na aniya ang pangalan at profile picture ng kanyang YouTube channel at burado na rin ang mga video niya roon.

Hindi umano naging madali para maabot niya ang milyong subscribers kaya nasasaktan siya sa nangyari.

Samantala, nakiusap siya sa mga subscriber niya na suportahang muli ng mga ito kung sakaling gumawa siya ng bagong YT channel.

Humingi rin siya ng tulong para ma-retrieve ang kanyang YouTube channel.

The post YouTube channel ni Madam Kilay na-hack first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/youtube-channel-ni-madam-kilay-na-hack/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=youtube-channel-ni-madam-kilay-na-hack)