Tangka ng pamahalaan na makapagbakuna ng mahigit isang milyong katao kada araw simula Nobyembre 20.

Ito ang inihayag ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinalabas ngayong Miyerkoles.

Ani Galvez, bago matapos ang Nobyembre ay plano ng pamahalaan na makapagturok ng 15 milyon COVID bakuna.

Para maging posible umano ang naturang plano ay dapat gamitin ang iba’t-ibang pasilidad gaya ng mall, unibersidad, gym, at mga function hall bilang vaccination site.

Kasama pa umano sa plano ng pamahalaan ay ang pagbabakuna sa 90% ng mga guro, estudyante at mga kawani ng paaralan, gayundin sa 70% ng mga senior citizen.

Samantala, nakatakda ring turukan ng booster shots ang mga healthcare worker bago matapos ang kasalukuyang buwan, ayon kay Galvez. (mjd)

The post 1-M turok kada araw asinta ng gobyerno – Galvez first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-m-turok-kada-araw-asinta-ng-gobyerno-galvez/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1-m-turok-kada-araw-asinta-ng-gobyerno-galvez)