Kinondena ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas ang patuloy umanong pag-onse ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang mga kasabwat sa mamamayang Pilipino.
Ginawa ni Brosas ang pahayag matapos ang substitution “drama” ng anak ni Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Sen. Christopher Bong Go noong Sabado.
“The series of substitutions in candidacy made by President Duterte’s daughter and their clique at the Comelec yesterday exhibits by far the most flagrant abuse of the candidacy filing – a drama paid for by people’s taxes even as millions remain hungry in the midst of a pandemic,” sabi ni Brosas.
Ang “dishonest and deceptive schemes” umano ni Duterte at kanyang kaalyado ay pagpapatuloy lamang ng kanilang track record na pagtaksilan ang sambayanang Pilipino gamit ang kanilang mga polisiya.
“Tapos na ang 11.11 pero patuloy na inoonse ang mamamayang Pilipino ng rehimeng Duterte. Children’s month ngayong Nobyembre pero hindi ibig sabihin nito ay pwede paglaruan ng mga nasa kapangyarihan ang taumbayan,” dagdag pa ng lady solon.
Sinabi ni Brosas na hindi imposible na magpatuloy pa ang drama sa Lunes, ang huling araw ng paghahain para sa substitution ng mga tatakbo sa 2022 elections. (Billy Begas)
The post ‘11.11’ tapos na pero Pinoy inoonse pa rin ni Duterte—Gabriela first appeared on Abante TNT Breaking News.Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/11-11-tapos-na-pero-pinoy-inoonse-pa-rin-ni-duterte-gabriela/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=11-11-tapos-na-pero-pinoy-inoonse-pa-rin-ni-duterte-gabriela)
0 Mga Komento