Hindi inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang aplikasyon ng 126 party-list group para makasabak sa 2022 elections.

Sa maiksing Twitter post ngayong Miyerkoles, inanunsyo ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na “126 applicants for Party List registration were denied by Comelec.”

Mula Oktubre 1-8 na siyang filing para sa certificate of candidacy, 270 party-list group ang naghain ng kanilang certificate of nomination and acceptance.

Sa pagkakatanggal ng 126 ay may 144 pa na party-list group.

Hindi pa naman pinangalanan ng Comelec ang mga party-list group na ‘di pinayagang sumabak sa darating na eleksyon.

Samantala, noong 2019 elections ay 134 ang party-list group na sumalang sa halalan. (mjd)

The post 126 party-list aspirant supalpal sa Comelec first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/126-party-list-aspirant-supalpal-sa-comelec/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=126-party-list-aspirant-supalpal-sa-comelec)