Bukod sa 10 koponan mula sa PBA ay tatlong guest team ang sasalang sa unang season ng PBA 3X3 na tangkang simulan sa gitna ng Nobyembre.

Ang mga PBA team na magpapadala ng kanilang 3×3 team ay ang TNT Tropang Giga, Barangay Ginebra, Meralco Bolts, NorthPort Batang Pier, San Miguel Beermen at Terrafirma Dyip.

Samantala, ang Magnolia ay ipaparada ang Purefoods Tender Juicy Titans, Cavitex Road Road Warriors para sa NLEX, Sista Super Sealers para sa Rain or Shine at Limitless sa Phoenix Petroleum.

Ang mga guest team naman ay Pioneer Pro Tibay, Platinum Karaoke, at Zamboanga Valientes MLV.

Ayon kay PBA 3X3 chairman Dickie Bachmann, ang isang season ng liga ay bubuuin ng tatlong kumperensya.

Samantala, ang bawat kumperensya ay may anim na leg at isang grand final.

“Each leg has prize money and the grand finals will also have prize money. The top 10 teams after the first six legs will advance to the grand finals,” wika ni Bachmann. (mjd)

The post 13 koponan magsasabong sa PBA 3X3 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/13-koponan-magsasabong-sa-pba-3x3/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=13-koponan-magsasabong-sa-pba-3x3)