Tinanggap ng Pilipinas nitong Biyernes ang may 1,306,000 dose ng Moderna vaccine na binili ng gobyerno.

Dumating ang bagong shipment ng Moderna dose sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ng bandang alas-9:51 ng umaga, ayon sa National Task Force Against COVID-19.

Buhat noong February 28, nasa 130 milyong vaccine dose na ang dumating sa bansa.

Sa ngayon, halos 33 milyong Pilipino na ang bakunado laban sa coronavirus, na kumitil na ng 46,422 katao sa Pilipinas. (IS)
Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post 1.3M Moderna vaccine dumating sa PH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1-3m-moderna-vaccine-dumating-sa-ph/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1-3m-moderna-vaccine-dumating-sa-ph)