May kabuuang 142 persons deprived of liberty (PDLs) ang nabakunahan laban sa coronavirus ng Philippine Red Cross (PRC) nang bumalik ang “Bakuna Bus” nito sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Kalibo, Aklan, nitong Nobyembre 4.

Dagdag pa ng PRC Aklan Chapter, mahigit 3,000 dose na ang naibigay nila noong Nobyembre 2, 2021, mula nang una nilang i-deploy ang kanilang Bakuna Bus noong Setyembre 16, 2021

Nabakunahan na sa ngayon ng humanitarian organization ang higit sa 5,300 PDLs na tumutulong sa higit pang pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga kulungan.

“Narito ang Red Cross upang magbigay ng pag-asa para sa mga pinaka-mahina,” ani PRC Chairman at CEO Sen. Dick Gordon.

Umikot dib ang PRC Bakuna Bus sa iba pang BJMP na matatagpuan sa NCR, Region 6, at Region 7 katulad ng mga BJMP sa Navotas, Iloilo, Talisay, Bogo City, at Danao City. (Sherrylou Nemis)

The post 142 PDL sa Aklan bakunado na – Red Cross first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/142-pdl-sa-aklan-bakunado-na-red-cross/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=142-pdl-sa-aklan-bakunado-na-red-cross)