Nakalaya na sa banta ng COVID-19 ang 16 na baranggay sa San Fernando, Pampanga, habang bumaba ang mga kaso ng sakit sa lugar.

Sa pahayag ni Dr. Carlos Mercado, officer-in-charge ng San Fernando’s health office nitong Miyerkoles, ang mga baranggay na COVID-free na ay ang Baliti, Del Pilar, Del Rosario, Dela Paz Norte, Lourdes, Magliman, Maimpis, Pandaras, Panipuan, Pulung Bulu, Quebiawan, San Felipe, San Isidro, San Juan, Sta. Teresita, at Sto. Rosario.

Nitong Miyerkules, ang mga active case sa San Fernando ay nasa 55 o mas mababa kaysa sa 605 na active cases noong nakaraang buwan.

Sinabi ni Mercado, malaking tulong ang pagbabakuna laban sa coronavirus sa pagpapababa ng mga naitatalang kaso.

“Vaccination truly helped lower the cases in San Fernando. People get immunity from the vaccines, and vaccines really work,” saad nito.

Hinimok niya rin ang mga residente na wala pang bakuna na simulan na ang pagpila para mabakunahan laban sa COVID-19. (Sherrylou Nemis)

The post 16 baranggay laya na sa Covid-19 sa Pampanga first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/16-baranggay-laya-na-sa-covid-19-sa-pampanga/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=16-baranggay-laya-na-sa-covid-19-sa-pampanga)