Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na sapat ang kanilang alokasyon na 1GB data kada araw para sa mga guro sa kanilang SIM Card and Connectivity Load Program.

Sa ilalim ng naturang programa ay 34GB ang ibinibigay ng DepEd sa mga guro kada buwan, na kung susumahin ay 1GB kada araw.

Matatandaang ilang grupo ng mga guro, partikular ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang umangal dahil ‘di umano sapat sa online class ang naturang alokasyon ng data connection.

Ngunit depensa ng DepEd, pinag-aralan nila ang programa at tiwala na kakasya ang 1GB sa isang araw.

“According to our analytics consumption tests, the 1GB per day for 30 days is enough to access e-learning, and whitelisted or zero-rated DepEd applications. It can also support eight (8) hours of video conferencing,” saad sa statement ng DepEd.

https://twitter.com/DepEd_PH/status/1455692351762960386/photo/1

On connectivity load program for teachers

Read: https://t.co/WLUKHjjwXn pic.twitter.com/SeRmBhLdv8
— DepEd (@DepEd_PH) November 3, 2021

Bukod dito, sinabi rin ng ahensya na nakikipag-ugnayan sila sa iba pang sangay ng gobyerno upang makakalap ng pondo para maipagpatuloy ang naturang programa.

Sa kabilang dako, ang nais ng ACT ay mas malaking allowance para sa internet connection ng mga guro, na aabot ng P1,500 kada buwan. (mjd)

The post 1GB kada araw sa mga guro sapat – DepEd first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/1gb-kada-araw-sa-mga-guro-sapat-deped/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=1gb-kada-araw-sa-mga-guro-sapat-deped)