Hinarangan at binomba ng water cannon ng ilang barko ng Chinese Coast Guard nitong Martes ang dalawang bangka ng mga Pinoy na papunta sana sa Ayungin Shoal na sakop pa ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Kinumpirma ito ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ngayong Huwebes.

Ayon kay Locsin, mga supply boat ng Pilipinas ang nakatakda sanang pumunta sa Ayungin Shoal para maghatid ng pagkain at iba pang supply sa mga sundalo roon.

Ngunit walang nagawa kundi umatras ang dalawang bangka ng bombahin sila ng water cannon ng mga Chinese vessel.

Wala namang nasaktan sa pangyayari.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Locsin na nakipagusap na siya kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian upang ipahatid ang galit at pagkondena ng Pilipinas sa ginawa ng mga Chinese vessel.

“I reminded China that a public vessel is covered by the Philippines-United States Mutual Defense Treaty,” ani Locsin. (mjd)

The post 2 bangka ng ‘Pinas hinarass, tinaboy ng China first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-bangka-ng-pinas-hinarass-tinaboy-ng-china/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-bangka-ng-pinas-hinarass-tinaboy-ng-china)