Sugatan ang isang pulis at isang barangay tanod nang magsalpukan ang kanilang sinasakyang motorsiklo nitong Huwebes ng gabi.

Kapwa sugatan ang pulis na si Police Cpl. Jay Gabriel Orano ng Eastern Police Distrcict, at barangay tanod na si Regalado Madlang Awa ng Barangay 430.

Binabaybay umano ni Orano ang kahabaan ng Lacson Avenue nang biglang tumawid ang motorsiklo ni Madlang Awa.

Ayon sa imbestigasyon ng Barangay 434, mabilis umano ang takbo ng motorsiklo ng pulis at tinamaan ang harapang gulong ng tanod.

Tumilapon ang tanod sa lakas ng pagkakabangga. Sabi naman ng mga rumesponde, amoy alak ito.

Isinugod naman agad sa ospital ang dalawa. (Sherrylou Nemis)
Abantelliling with Ritz Azul

The post 2 motor nagsalpukan; Pulis, barangay tanod sugatan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/2-motor-nagsalpukan-pulis-barangay-tanod-sugatan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2-motor-nagsalpukan-pulis-barangay-tanod-sugatan)