Patay ang halos 200 maliliit na bata dahil sa gutom sa mga ospital sa buong rehiyon ng Tigray ng Ethiopia habang ang bilang ng malnutrisyon ay tumataas.

Tumaas ang kaso ng mga namamatay at malnutrisyon isang taon matapos sumiklab ang gyera.

Ang Tigray ay humaharap sa isang malaking problema na tinatawag ng United Nations bilang “De facto aid blockade” na ibig sabihin ay hindi na magagamit ang karamihan sa mga mahahalagang kagamitang medikal.

Ayon kay Dr. Hagos Godefay, pinuno ng health bureau sa gobyerno ng Tigray, karamihan sa mga health facility ay hindi gumagana at ang mga health workers ay umaabot lamang hanggang sa kalahating distrito ng rehiyon.

Nagsimula ang digmaan noong Nobyembre sa pagitan ng Federal troops at pwersa mula sa Tigray People’s Liberation Front, na namuno sa Ethiopia sa loob ng tatlong dekada at ngayon ay kumokontrol sa Tigray. (Sherrylou Nemis)

The post 200 na paslit patay sa gutom sa ospital first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/200-na-paslit-patay-sa-gutom-sa-ospital/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=200-na-paslit-patay-sa-gutom-sa-ospital)