Dumating nitong Martes sa bansa ang limang naval vessel ng Russian Pacific Fleet, ayon sa Philippine Navy.

Ang mga barko ng Russia na dumayo sa Pilipinas ay dalawang submarine, ang Corvette Gremyashchy, tanker na Pechenga at support vessel na Alatau.

Ayon sa Navy, ang pagbisita ng mga Russian vessel ay nagpapakita ng kapayapaan at kooperasyon ng mga bansa sa Asia Pacific region.

Ang kanila ring pagbisita ay parte ng kanilang port replenishment.

“The arrival of the Russian contingent in the country and the accommodation and support being extended to them underscores the promotion of peace, stability, and maritime cooperation in the region,” saad sa pahayag ng Navy. (mjd)

The post 5 barko ng Russia bumisita sa ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/5-barko-ng-russia-bumisita-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=5-barko-ng-russia-bumisita-sa-pinas)