Nasawi ang 52 habang na-trap naman sa isang minahan ng uling sa Russia ang isang dosenang katao nitong Huwebes.

Nasunog ang alikabok ng mga uling sa isang ventilation shaft sa Listvyazhnaya mine sa snowbound na rehiyon ng Kemerovo, at napuno ng nakalalasong usok ang minahan.

Ayon kay Regional Governor Sergei Tsivilev, 52 katao ang natagpuang patay habang ginagamot sa ospital ang 12 na iba pa, ang ilan sa kanila ay nakalanghap ng nakalalasong usok. Apat ang nasa kritikal na kondisyon.

Hindi naman sinabi ng awtoridad ang pinagsimulan ng usok.

Wala pang binibigay na salaysay ang may-ari ng minahan. (Sherrylou Nemis)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

The post 52 patay, 12 na-trap sa aksidente sa minahan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/52-patay-12-na-trap-sa-aksidente-sa-minahan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=52-patay-12-na-trap-sa-aksidente-sa-minahan)