Nagsampa ng reklamo ang isang poultry farm owner sa India matapos umanong mamatay ang 63 sa kanyang mga alagang manok pagkaraang dumaan ang isang parada na sobrang ingay ng musika.

Ayon sa ulat ng Times of India, noong Linggo ay dumaan sa farm ni Ranjit Kumar Parida ang isang parada na mula sa isang kasalan, na sobrang lakas umano ng tugtog ng musika.

Tinangka pa umano niyang pakiusapan ang mga ito na hinaan ang kanilang tugtog, ngunit siya ay dinedma lamang.

Tumagal ng 15 minuto bago nakalagpas sa farm ni Parida ang parada.

Ngunit nagtaka na lamang umano siya dahil pagkalagpas ng parada sa kanyang farm ay bigla na lamang bumulagta ang ilan sa kanyang mga alagang manok. Wala umanong sakit ang mga ito.

Kinabukasan, pinapunta umano niya ang ilang mga beterinaryo at sinabi umano nito na heart attack ang ikinamatay ng 63 manok.

Kaya naman nagtungo si Parida sa pulisya para ireklamo ang nangyari, lalo’t Rs 25,000 umano ang pagkalugi niya sa pagkamatay ng mga manok.

Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang reklamo ni Parida laban sa bagong kasal na siyang dahilan ng parada. (mjd)

Viva Hot Babe Sheree Bautista @ Tambayan ng Tsika!

The post 63 manok dedo sa ingay ng banda sa India first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/63-manok-dedo-sa-ingay-ng-banda-sa-india/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=63-manok-dedo-sa-ingay-ng-banda-sa-india)