Pitong barangay sa Bohol ang lumubog sa baha dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.

Nagising ang mga residente sa malakas na ulan nitong Martes ng umaga, at ang mga barangay na naapektuhan ay ang Can-upao, Bungamar, Bunga Ilaya, Poblacion, Sitio Balbalan sa Barangay Pangdan, Tejero, Pagina, at Looc.

Umabot naman hanggang tuhod ang tubig baha na pumasok sa mga bahay sa Purok 5 sa Kalipay Compound sa Barangay Can-upao.

Sinabi ni Councilor Anthony Aniscal na ilang cottage sa Can-uba Public Beach ang na-wash out at binaha rin ang tennis court na malapit sa town hall.

Wala namang naiulat na nasawi at humupa rin ang tubig baha pagkaraan ng ilang oras. (Sherrylou Nemis)

The post 7 barangay sa Bohol nalubog sa baha first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/7-barangay-sa-bohol-nalubog-sa-baha/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=7-barangay-sa-bohol-nalubog-sa-baha)