Hindi bababa sa siyam na unibersidad at kolehiyo sa Cebu City ang lalahok sa pilot run ng face-to-face classes.

Ayon sa Cebu City Emergency Operations Center (EOC) deputy chief implementor Councilor Joel Garganera, ang lungsod ay nakikipagtulungan sa Commission on Higher Education (CHED) nitong mga nakaraang buwan upang ihanda ang mga unibersidad para sa pagbabalik ng klase.

Samantala, sinabi ng Department of Education (DepEd-7) sa Central Visayas na mayroong 372 pampubliko at 10 pribadong paaralan sa rehiyon ang handa na para sa face-to-face classes.

Walong pampublikong paaralan sa Cebu ang nagsimula na ng klase noong Nobyembre 15 habang 2 pribadong paaralan ang lumahok sa pilot run noong Nobyembre 22.

Idinagdag ni Garganera, gumawa ang EOC ng apat na grupong maghahawak ng mga aplikasyon ng mga kolehiyo dahil inaasahan nitong bubuhos ang mga aplikasyon sa mga darating na buwan. (Sherrylou Nemis)
Abantelliling with Ritz Azul

The post 9 unibersidad sa Cebu lalahok sa face-to-face class first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/9-unibersidad-sa-cebu-lalahok-sa-face-to-face-class/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=9-unibersidad-sa-cebu-lalahok-sa-face-to-face-class)