Hindi nagustuhan ni Quezon City fifth district councilor aspirant Aiko Melendez ang nasaksihan niyang pagbabaklas ng kanyang mga tarpaulin na inilagay umano ng kanyang mga taga-suporta.

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Aiko ang isang video kung saan makikita ang ilang kalalakihan na binabaklas ang kanyang mga tarpaulin at nilalagay ang mga ito sa isang L300 na sasakyan.

Hindi rin nagustuhan ni Aiko na ang dahilan lang ng pagbabaklas sa kanyang mga tarpaulin ay dahil sa utos ng kinauukulan.

“Paano tayo magiging mabuting leader ng QC kng nagbibigay tayo ng masamang ehemplo sa mga tao po. Hindi ung kakaunti na nga lang po ang tarpulins ko binabaklas nyo pa po. Na kusang nilalagay ng mga taong sumusuporta sa akin tinatanggal nyo pa po, Dahil ba kayo ang naka upo?” saad sa caption ng aktres.

Hiling ni Aiko sa kanyang mga makakabangga sa politika, sana ay lumaban sila nang patas.

“Sana lumaban po tayo ng patas. Kasi kandidato naman tayo pare parehas na gustong maglingkod at magpakita ng magandang ehemplo sa Quezon City,” aniya.

“Sa mga ka distrito ko na inuutusan ng mga me kapangyarihan sa posisyon para magtanggal ng tarpulins ko, Pag mali po ang utos wag sundin dahil labag po yan sa batas. Laban lang po parehas,” dugtong pa ni Aiko. (mjd)

https://www.instagram.com/p/CVx6wpUFpeY/?utm_medium=copy_link&fbclid=IwAR05O5ViBA6ur4NU1Cb5tg8JD8lL6qm6LdunKRxubNE3yY8ZNB883bvway8

The post Aiko umangal sa pagbaklas ng kanyang tarpaulin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/aiko-umangal-sa-pagbaklas-ng-kanyang-tarpaulin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=aiko-umangal-sa-pagbaklas-ng-kanyang-tarpaulin)