Anim na buwan na ang nakakaraan ay bumili ang isang teenager sa Peru ng isang tuta mula sa isang maliit na tindahan, ngunit habang lumalaki ito ay may napansin silang mali.

Ayon sa ulat ng Sky News, paglipas ng ilang panahon ay nag-iba ang kilos ng inakala nilang ‘aso’ dahil hinahabol nito ang mga alagang bibe at manok sa kanilang lugar.

Pinangalanan pa nila ang aso na si ‘Run Run,’ ngunit nadiskubre nila na hindi pala tunay na aso ang kanilang nabili, kundi isang Andean fox.

“We had thought he was a purebred puppy,” ayon sa ina ng teenager, na ikinuwento na nabili ang tuta sa halagang $13.

Ang problema lamang, lumayas sa kanilang bahay ang fox at kanila na itong pinaghahanap.

Nagbayad din ang may-ari ng fox para sa mga alaga ng kanilang kapitbahay na pinatay nito.

Ayon naman sa awtoridad sa Peru, nabili sa tindahan ang fox dahil sa iligal na aktibidad kung saan pagkapanganak sa mga wild animal ay kinukuha na ito upang ibenta. (mjd)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

The post Akala aso! Pamilya nag-alaga fox, ibang alaga nilamon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/akala-aso-pamilya-nag-alaga-fox-ibang-alaga-nilamon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=akala-aso-pamilya-nag-alaga-fox-ibang-alaga-nilamon)