Isang panukalang batas ang inihain sa House of the Representatives na naglalayong ipagpaliban ang 2022 baranggay at Sangguniang Kabataan Election sa Mayo 2024.

Paliwanag ni Davao Oriental Representative Joel Mayo Almario, may-akda ng House Bill 10425 na inihain noong Oktubre 28, 2021, ang mga epekto ng COVID-19 pandemic ang dahilan ng kanyang panukala.

Nakasaad sa panukala, “the resulting extended term of the current barangay and Sangguniang Kabataan officials will provide the fresh set of national and local officials, elected only in May 9, 2022, a mechanism of continuity in the ongoing fight against the pandemic.”

“The country cannot afford to have all new leaders in 2022, from the President of the Republic down to the last Sangguniang Kabataan official, as doing so will add more pressure to the efficient delivery of governmental services. Our collective lead against the pandemic may be threatened of sliding back,” dagdag pa dito.

Matatandaang bago ang halalan noong Mayo 2018, dalawang beses na ipinagpaliban ang halalan sa barangay at SK. (Sherrylou Nemis)

The post Almario: Ipagpaliban 2022 barangay, SK Election first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/almario-ipagpaliban-2022-barangay-sk-election/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=almario-ipagpaliban-2022-barangay-sk-election)