Ibinida ng bagong trailer ng ‘Spider-Man: No Way Home’ ang sangkatutak na pasabog gaya ng ilang mga kontrabida na dapat abangan.

Sa unang trailer pa lamang ay pinasulyap na sina Doctor Strange at Doctor Octopus mula sa Spider-Man 2.

Ngunit hindi pa ‘yun ang lahat.

Ibinunyag ng huling inilabas na trailer na lalabas pa ang ibang mga naging kontrabida mula sa ibang Spider-Man movie gaya nina Green Goblin mula sa orihinal na Spider-Man, Electro mula sa ‘The Amazing Spider-Man 2’ at sina Lizard at Sandman.

Ang ‘Spider-Man: No Way Home’ ay ipapalabas sa Pilipinas sa Enero 2022. (mjd)

The post Bagong trailer ng ‘Spider-Man’ pasabog first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagong-trailer-ng-spider-man-pasaboga/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagong-trailer-ng-spider-man-pasaboga)