Nadiskubre ang bagong variant ng Covid 19 na may malaking bilang ng mutation sa South Africa.

Ayon sa mga Scientist, ito ang dahilan ng pagdami ng bilang ng mga kaso ng coronavirus sa bansa.

Tumaas ng sampung beses ang bilang ng impeksyon mula noong simula ng Nobyembre.

Ang bagong variant na may siyentipikong lineage number na B.1.1.529 ay may napakataas na bilang ng mga mutasyon.

Pinag-aaralan na ng World Health Organization ang naiulat na bagong variant at magsasagawa ng pagpupulong sa Biyernes para dito. (Sherrylou Nemis)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

The post Bagong variant ng Covid 19 namataan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/bagong-variant-ng-covid-19-namataan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagong-variant-ng-covid-19-namataan)